Journalist Panganiban to Anti-Marcos: 'Hindi lahat ng Pilipino ay nagdusa noong Martial Law'
advertisement
Journalist Ira Panganiban shared his own experienced maturing under the Martial Law. When they were young, they do not stress or fear the streets also during evenings since the authorities were their
close friends, however they hesitate of soldiers due to the fact that they carry weapons to keep tranquility as well as order.
close friends, however they hesitate of soldiers due to the fact that they carry weapons to keep tranquility as well as order.
He said that during his teenage years, he was brought
to Camp Crame because of curfew law. However, he was
never tortured or imprisoned, he just scrubbed walls the
whole day.
Their family members was not rich, they started at the base and make their method up via his father's effort as well as initiative.
He also said that his father sent him and his siblings to good
schools and his mother was a plain housewife because his
father's salary was good enough for their needs.
He ended his letter by saying, not all things were bad
under the Martial Law.
Read his full letter:
"50years old na ako. Siguro panahon na para may
magkuwento ng buhay niya noong Martial Law. Yung iba
naman sa palaging kuwento ng kabuktutan at karahasan
noong panahon na iyon.
Tahimik po kaming lumaki sa Kamaynilaan noong Martial
Law. Nag simula kami sa mahirap at umakyat sa hagdan
ng tagumpay ang aking ama sa sarili niyang pagsisikap.
Nagaral habang Security Guard sa gabi. Natapos at
nagtrabaho sa isang malaking kumpanya. Umangat
hanggang naging boss.
Pinagaral niya kami sa mahusay na mga paaralan habang
ang nanay ko naman ay isang ulirang maybahay. Hindi
kinailangan magtrabaho dahil sobrang sapat ang sahod ng
aking ama para sa kailangan namin.
Noong bata ako naglalaro kami sa kalye ng walang takot
kahit gabihin kami. Ang pulis ay kaibigan namin. Takot ka
sa sundalo dahil may baril pero hindi sila nanggugulo.
Kalaunan ay naging binata na kami. Nagkabisyo, napahilig
sa good time at inaabot ng curfew. Minsan kami nahuli sa
curfew, dinala kami sa Camp Crame para magkuskos ng
pader buong araw. Pagkatapos ay sinundo kami ng
magulang namin na tinawagan ng PC pagkatapos kunin
ang address at telepono namin. Hindi na kami ulit
lumabag ng curfew.
Nagcommute kami papasok ng school noong High
School. Yung jeep at dilaw na minibus. 45 minutes mula
Sucat hanggang Ortigas, dalawang sakay pa ito, Sucat-Baclaran
tapos Baclaran-Ortigas.
Hindi po kami takot sa kidnapper at pag may problema
puwede ka humingi ng tulong sa pulis. Hindi ko sinasabing
santo mga pulis nung araw. Meron din gago. Minsan,
naglalakad kami pauwi galing Phase 1 sa BF Paranaque,
pinagtripan kami ng isang pulis. Dahil magulo daw kaming
mga kabataan sa presinto kami maglamyerda.
Sa presinto tinitignan nung pulis yung mga relos namin.
Gusto kunin. Sinita siya nung Sarhento de Mesa niya na
huwag patulan ang mga bata at idamay sa kalokohan
niya. Nung umalis yung gagong pulis tumawag ng tricycle
yung Sarhento at pinauwi na kami.
Kolehiyo, nagaral din ako sa UP sandali, na kausap ang
mga tibak, yung iba naging barkada ko pa. Kainuman,
nakikitira sa dorm nila, nakikinig sa diskusiyon nila.
Naintindihan ko naman sila at hinaing nila. Kaya siguro
naging reporter ako, yung puso ko ay nahuli nila.
Pero hindi ako nagtagal sa Peyups, nasobrahan sa inuman
at diskusiyon ng dialectics sa gabi di na nakapasok sa
subjects, sibak ako. Sa ibang paaralan sa Maynila ako
natapos.
Nung mga panahon na iyon, kabataan ko, bago pumasok
at sumabak sa trabaho at buhay, medyo semplang din
ako. Lassengo, puro good time, laging nasa kalye. Pero
hindi ko naranasan yung sinisigaw ng mga antiMarcos
noon. Kahit gago, sinisiguro ko na yung kagaguhan ko ay
nasa loob ng limitasyon ko. Pushing the limit of my
boundaries ika nga.
Pero hindi ako makaMarcos. Rebelde din kami. Napaskel
pa nga ang mukha namin sa cover ng isang political
magazine noon dala ang bandila natin habang dumadaan
ang funeral convoy ni Ninoy. Hindi hard core pero ang
simpatiya ay obvious. Wala namang nagpuntang sundalo
sa bahay namin para hulihin ako.
Hindi po lahat ng Pilipino ay may buktot na karanasan
noong Martial Law. Mas marami yung pinili ang magsikap
magtrabaho at mabuhay ng tahimik. Yung tatay ko ay isa
dun.
Pero ito po ang Ilan sa kaibahan noon at ngayon. Hindi po
talamak ang droga dahil bitay ang parusa dito. Walang
kalat sa kalye dahil dinadampot sila at dinadala sa
presinto o Crame. Hindi trapik at ang bus ay ang Metrobus
at Love Bus. Maayos at walang problema ang LRT. Di
tulad ngayon.
Noon ang itinatayo ay CCP, PICC, Heart Center, Kidney
Center. Ngayon ang itinatayo ay Malls at Call Center. Noon
may BLISS urban housing project, ngayon mga condo na
gaposporo ang laki ng bawat unit.
Noon lahat ng itinatayo mukhang para sa bayan. Ngayon
ang itinatayo lahat may bayad.
Hindi ko minenemos yung naranasan ng ilang kaibigan ko at ibang tao noong Martial Law dahil sa panindigan nila.
Pinili niya yun at hinahangaan ko sila sa landas na pinili
nila tahakin. Nirespeto din nila ang desisyon ko na huwag
sumama sa kanila.
Pero aminin natin ang katotohanan. Hindi lahat ng Pilipino
ay nagdusa noong Martial Law. At mayroon din mga
umasenso sa sariling sikap at pagpupunyagi.
Huwag niyo naman sabihin sa amin na hindi totoo ang
karanasan namin, na kami ay nagbubulagbulagan. Dahil
Ito ang karanasan namin at para sa amin, masakit man
sa tenga ninyo pakinggan, walang masamang dinala ang
Martial Law sa amin maliban sa resulta ng mga personal
na desisyon namin."
Source: Pinoythoughts , Facebook
advertisement
Journalist Panganiban to Anti-Marcos: 'Hindi lahat ng Pilipino ay nagdusa noong Martial Law'
Reviewed by Jologs
on
6:34:00 PM
Rating:

Post a Comment