Testing - Pinoy Thinking

Testing

advertisement

Kinabibiliban ngayon ang talino ng isang graduating Senior High School student na si Benjamin Arches Baui matapos nitong mapagtagumpayang maipasa ang hindi lang basta isa o dalawa kundi labintatlong sikat na mga Unibersidad bilang isang scholar. Pito rito ang mula sa mga kilalang prestihiyosong International Universities at anim ang mula sa mga sikat na paaralan dito sa bansa.  


Gumawa ng ingay ngayon sa social media ang kanyang pangalan at achievement dahil ang alok na scholarship award sa kanya ay aabot sa tinatayang PHP11 million.


Anak ng isang magsasaka si Benjamin na Tubong Sto. Tomas, Isabela, pangarap niyang kumuha ng kursong Architecture sa napupusuang unibersidad na papasukan sa Ohio, USA.




Ang plano ko po is grab the opportunity in Xavier University. Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course…. Then probably it will cost me, I will receive [a scholarship] approximately PHP7 million,” 


Hindi mapantayan ang tuwa't saya na kanyang naramdaman na aminadong hindi naging madali ang pinagdaanang mga proseso para makakuha at maipasa ang scholarship grants ng mga kapita-pitagang unibersidad.


“Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…” 


“Sa libu-libong mga aplikante na natanggap at nasuri ng Admission’s Committee, ako ay namumukod-tangi. Sobrang puno ng puso ko ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ilalabas ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon,"



advertisement
Testing Testing Reviewed by Jologs on 11:19:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din